4 Na Kasarian Ng Pangngalan
4 na kasarian ng pangngalan
Kasarian ng Pangngalan:
Ang mga pangngalan ay maaaring ipangkat ayon sa likas na kasarian o kawalan ng kasarian na tinutukoy ng mga ito.
May apat na kasarian ang mga pangngalan: panlalaki, pambabae, di - tiyak, at walang kasarian.
Ang mga pangngalan na may kasariang panlalaki ay ginagamit o tumutukoy sa mga lalaking tao o hayop. Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ng ama, hari, santo, amigo, ninong, kumpare, ginoo, maestro, aktor, at tandang.
Ang mga pangngalan na may kasariang pambabae ay ginagamit o tumutukoy sa mga babaeng tao o hayop. Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ninang, aktres, maestra, ginang, madre, ina, reyna, santa, amiga, at inahin.
Ang mga pangngalan na tumutukoy sa mga bagay na hindi maaaring uriin bilang lalaki o babae ay itinuturing walang kasarian. Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad ng upuan, aklat, ospital, laruan, kanin, ulam, ulap, bahaghari, salamain, walis, palaruan, pagkain, at marami pang iba.
Ang mga pangngalan na may kasariang hindi tiyak ay ginagamit o tumutukoy sa mga tao o hayop na maaaring lalaki o babae. Mga halimbawa nito ay ang mga salita tulad magulang, kaibigan, patron, guro, doktor, empleyado, kawani, amo, kaibigan, kamag aral, kasama, at manok.
Read more on
Comments
Post a Comment