5 Mahahalagang Pangyayari Sa Kabanata 19 Ng Noli Me Tangere
5 mahahalagang pangyayari sa kabanata 19 ng noli me tangere
Noli Me Tangere
Kabanata 19: Mga Suliranin ng Isang Guro
5 Mahahalagang Pangyayari:
1. Ipinagtapat ng guro kay Ibarra na ang bangkay ng kanyang ama ay itinapon sa lawa at nasaksihan ni tinyente Guevarra ang buong pangyayari at maging siya ay walang nagawa kundi panoorin ang nasabing pagtatapon.
2. Inamin ng guro ang malaking utang na loob niya sa ama ni Ibarra. Sinabi niya na ito ang tumustos sa pangangailangang pinansyal ng guro at ng mga batang mag - aaral.
3. Nalaman ni Ibarra na walang maayos na sistema ng edukasyon sa bayan ng San Diego. Ang lahat ay bunga ng kawalan ng koordinasyon mula sa pamunuan ng paaralan hanggang sa mga magulang ng mga batang mag - aaral.
4. Naikwento din ng guro na siya ay inalipusta ni Padre Damaso sapagkat hindi siya gaanong bihasa sa wikang kastila. At ito ay labis na nakikialam sa kanyang paraan ng pagtuturo. Minsan, siya ay ipinatawag ng kura upang ipabalik sa kanya ang paggamit ng pamalo sapagkat mabisa ito sa pagtuturo.
5. Dahil sa kanyang mga narinig mula sa guro, nangako si Ibarra na tutulungan ito sa abot ng kanyang makakaya at mag mumungkahi sa pulong tribunal na gaganapin ayon sa paanyaya ng tinyente mayor.
Read more on
Comments
Post a Comment