Anong Ibig Sabihin Ng Personal Mission Statement
Anong ibig sabihin ng personal mission statement
Personal Mission Statement
Ang personal mission statement ay tulad ng isang personal na kredo o isang motto. Ito ay nagsasalaysay ng paraan kung paano nais dumaloy ang ng tao ang kanyang buhay. Ito ay magiging batayan sa mga pagpapasyang gagawin sa araw - araw. Magandang paraan upang higit na makilala ang sarili. nagsasabi kung saan ka patutungo.
Sa paglikha ng personal mission statement, makatututlong na magkaroon ng pansariling pagtataya o personal assessment sa kasalukuyang buhay. Ang bunga nito ay magiging kapaki - pakinabang sa mapanagutang pasya at kilos.
Mga Dapat Isaalang - alang sa Pansariling Pagtataya o Personal Assessment:
- Suriin ang ugali at katangian.
- Tukuyin ang mga pinahahalagahan.
- Tipunin ang mga impormasyon.
Simulan ang paggawa ng personal misssion statement sa pamamagitan ng pagtatala ng mga ugali at katangian. Ang pangunahing katangian ang magpapakilala kung sino at paano ka naaapektuhan ng mundong iyong ginagalawan, ano ang mahalaga sa iyo at paano ka kumikilos, para sa iyong gagawin na pagpapasiya.
Kailangan maging maliwanag kung saan nakabatay ang mga pagpapahalaga. Kung saan nakatuon ang lakas, oras, at panahon. Ang mga pinahahalagan ang magiging pundasyon sa pagbuo ng personal na misyon sa buhay.
Sa mga impormasyong naitala laging isaisip na ang layunin ng paggawa ng personal na misyon sa buhay ay mayroong malaking magagawa sa kabuuan ng iyong pagkatao. Ito ang magbibigay ng tamang direksyon sa landas na tatahakin.
Ano ang personal mission statement: brainly.ph/question/2609749
#LearnWithBrainly
Comments
Post a Comment