Bakit Mahalagang Malaman O Matutunan Ang Pagaulat Ng Pambansang Kita Sa Ekonomiya
Bakit mahalagang malaman o matutunan ang pagaulat ng pambansang kita sa ekonomiya
Ito ang nagsisilbing batayan kung sumusulong ba ang ating bansa at ito ang bumubuo sa mga tanong na:
1.Ano kaya ang maaring mga sanhi ng pagsulong o mabagal na takbo ng ekonomiya?
2.May batas bang nakakaapekto sa takbo ng ekonomiya ngayong taon?
3.Anong aksiyon ang dapat isagawa?
Ang pambansang kita ang tumutukoy kung maayos ba ang takbo ng ekonomiya sa ating bansa.Ito ang datos na sumasagot sa mga katanungang tungkol sa ating bansa.Tulad nang anong sektor kaya ang may problema.Dahil dito nakagagawa tayo ng mga paraan upang mabago o mas mapaganda pa ang pamamalakad sa ating bansa.Ito ang ginagamit ng pamahalaan upang mabatid ang kung paano sila gagalaw at magsisilbi pa sa bayan o bansa.Sinasagot nila ang mga datos nito ng agarang solusyon o tulong upang mas mapabuti o mapag-igi ang serbisyo ng pamahalaan sa kanyang mamamayan.
Comments
Post a Comment